top of page

ULYANIN

Writer: lifediarieslifediaries



Nabubuo ang liriko Kapag nalulungkot. Nai-tono ko na noon, Kumpleto na ang himig ko. Tipa na lang sa pyesa, Tugtog na lang ang kulang, Kapa na lang sa gitara, Ako'y aawit na. Ngunit ngayong okay na kinakapa na naman, Himig at liriko nawala bigla ang lahat. Hindi ko maalala, timbre sa gitara. Hindi ko mahagilap ang mga salita Na Nabubuo sa tuwing ako.... ay tuliro. Hindi ko ma-alala kung san ko nakuha Lahat ng salita bigla ko lang kinuha Sumusulpot sa utak bigla kong isusulat Pero hindi ko alam kung san ko na isulat

At dahil ramdam ko okay na ako, kaya lahat ng gumugulo sa isip ko, wala ng tuluyan, pag-ugoy ko sa duyan kung san nag-ninilay na tunay. Para lang diwata naglaho sa bula, dinala lahat ng ala-ala ng isang tao na parang nilunod tapos natulala.

Wala na, hindi ko na mawari ang lahat. Wala na, tuluyan ko ng nalimot ang lahat.

Wala na.

 
 
 

Comments


© 2023 by DO IT YOURSELF. Proudly created with Wix.com

bottom of page