top of page

Su-ya (fed up)

Writer: lifediarieslifediaries



Una ay inip, Ikalawa ay suya Mapupunta sa yamot, Hanggang sa ika'y mapasimangot.

Kukulitin kung bakit? Hindi iibo at mananahimik. Tatanungin ulit ng paulit-ulit, Hanggang tuluyang bugnutin.

Recall natin yung routine, Bahay-trabaho-kain-tulog. Nood-laro-yosi-laro. Balik sa simula, wala ng usap.

Kamusta araw mo? Kamusta araw ko? Balak mo ba magtanong? O kailangan pa mag-bugtong? Iisa ang bubong, Hindi mag-salubong. Duon ka, dito ako. Batong-bato na 'ko.

'Tsong walang connection. Putol na ata ang network. Wala ng dial tone, Wa, waley, wiz, ganern!






 
 
 

Comentarios


© 2023 by DO IT YOURSELF. Proudly created with Wix.com

bottom of page