top of page

MISS KITA, Anak...

Writer: lifediarieslifediaries

Walang pagsidlan ang pangungulila. Dinapuan na naman ako ng topak at ngayo'y mangiyakngiyak. Bigla kong nasambit ang pangalan mo anak. Bigla ko hinanap ang mga haplos at yakap mo.

Maasim ang kili-kili sa tuwing ikaw ay pawisan. Amoy tuta sa lansangan na kailangan agad paliguan. Makulit at matinis mong boses aking nadidinig, guni-guni? Uhm, video message mo pala na inulit ko ulit panoorin.

Miss kita at hindi ko alam kung hanggang kailan. Nais kita makita pero ayaw makisama ni internet. Kaya naging hilig ko matulog maghapon. Dun kase madalas kita kasama. Dun kase naglalaro tayong dalawa.

Sa ngayon eto at si yum-yum na alaga kong pusa ang aking sandigan. Mabait sya anak kase mahilig din sya magpayakap. Mataray din minsan na parang ikaw lang. Pero sana ikaw pa din anak kase miss na kitang tunay.

 
 
 

Comments


© 2023 by DO IT YOURSELF. Proudly created with Wix.com

bottom of page